Ulat ni Grace Sheela Pickert
Berlin--Inaasahang tumaas ang unemployment o kawalan ng trabaho sa Germany at lalaki ang bilang ng mga trabahong may shorter working hours, ayon sa isang labor expert.
Ayon kay Enzo Weber, labor researcher ng Institute for Labor Market and Vocational Research, hindi maiiwasan ang pagtaas ng kawalan ng trabaho dahil na rin sa krisis na dulot ng coronavirus.
“With months of restrictions, things can go bad -the risk is on the table,” ayon pa sa eksperto.
Pero naniniwala rin si Weber na kayang bumawi ang German labor market sa kabila ng economic fluctations sa bansa dahil ito naman ay “in good shape” at may malaki pa rin daw ang interes ng mga employers hindi pakawalan ang mga kanilang mga employees na may skills na kulang sa bansa.
Nanatiling bukas pa ang mga cafe at restaurant sa Berlin pero limitado na lamang ang oras ng kanilang operations mula alas-6 ng umaga at alas-6 ng gabi. Kaunti na rin ang lumalabas dahil sa mga isinarang opisina at paaralan kaya malaki ang magiging epekto nito sa maliliit na negosyo at posibleng mag-resulta sa pagkalugi sa ilan.
Samantala, maraming empleado ang may work from home arrangements dahil tanging ang mga employees ng German security na lamang ang may pasok sa government offices.
Sarado na rin ang ilang opisina sa Arbeitsamt (Unemployment Office) sa Berlin kaya hindi mapuntahan ng mga taong nawalan ng trabaho at mga humihingi ng tulong pinansyal. Pinayusan ng opisina ang mga nais makipag-ugnayan sa kanila na tumawag na lamang sa hotline.
Inaasahang tataas ang unmployment rate sa Germany at darami naman ang mga trabahong may maikling working hours ayon sa isang labor expert.
Commentaires