top of page
Search

Sining Pinoy itatanghal sa South Africa

  • Writer: Pinoy Portal Europe
    Pinoy Portal Europe
  • 2 days ago
  • 3 min read

Ni Ver Cuizon



Kunst Filipino head Ver Cuizon with South Africa-bound artists, Aris and Dale Bagtas and Yelcast. [Photo courtesy: KUNST Filipino]
Kunst Filipino head Ver Cuizon with South Africa-bound artists, Aris and Dale Bagtas and Yelcast. [Photo courtesy: KUNST Filipino]

Nakatakdang itanghal ng pangkulturang grupo na KUNST Filipino ( Kapatiran at Ugnayan

ng Natatanging Sining at Kultura) ang “Viaje 5-Filipinism What Makes Art Filipino - Making

Visible things visible” sa Pretoria, South Africa mula Abril 23 hanggang Abril 29 ngayong

taon.


Kasama sa nasabing pangtanghal ang mga batikan at sikat na mga pintor, ang mag-amang

sina Aris Bagtas at Dale Bagtas, parehong myembro ng Obrahang Bagtas, Loriel “ Yelcast”

Castillo, founder ng Visual Poetry at presidente ng Arte Bauan, Doy Kastiyo, myembro ng

Arte Buan at Remo Valenton, founder at presidente ng BAGSIK ( Batanguenong Grupo ng

Sining at Kultura) para ipakita ang kanilang mga obrang Pinoy.



Dale Bagtas will be presenting his sculptures and painting in the forthcoming South African exhibit. [Photo courtesy: KUNST Filipino]
Dale Bagtas will be presenting his sculptures and painting in the forthcoming South African exhibit. [Photo courtesy: KUNST Filipino]

Ang nasabing eksibisyon ay inorganisa ng KUNST Filipino sa tulong ng embahada ng

Pilipinas sa Pretoria at ito ay gaganapin sa Javett Art Center sa Unibersidad ng Pretoria mula

Abril 23 hangang Abril 29 ngayong taon.


Limangpung obra ng mga pintor ang ipinadala na sa pamamagitan ng “diplomatic pouch” sa embahada ng Pilipinas sa South Africa bilang paghahanda sa exhibit.


Ayon kay Philippine Ambassador Norilyn Jubaira Baja sa South Africa, napakaraming

talentadong Filipino na kailangan maipakita ang kanilang kakayahan sa malawak na madla

upang itaas ang kamalayan tungkol sa sining ng Filipino na maaring hindi pa nila nakikita. 



Ambassador Norilyn Jubaira Baja was instrumental in the staging of the exhibit in South Africa.  [Photo courtesy of Philippine Embassy South Africa]
Ambassador Norilyn Jubaira Baja was instrumental in the staging of the exhibit in South Africa. [Photo courtesy of Philippine Embassy South Africa]

Sa gagawing exhibit ay ipapakita ang mga naratibo ng rehiyonal na kontemporaryong sining at ang kahalagahan nito sa pagiging Filipino. 


Iba´t ibang mga teknik at genre din ang makikita ng mga manonood katulad ng sculpture 

painting ni Aris Bagtas, Pinoy Fauvism ni Doy  Kastilyo at  abstract expressionism nina

Yelcast, Dale Bagtas at Remo Valenton. 



Yelcast at work, preparing for the South Africa exhibit. [Photo courtesy: KUNST Filipino]
Yelcast at work, preparing for the South Africa exhibit. [Photo courtesy: KUNST Filipino]


Mahalaga sa mga pintor ang Viaje 5 hindi lamang para maipakita ang likhang sining ng

Filipino kundi matutuhan din nila ang kultura ng ibang bansa.


Pero para sa mga pintor na dadalo sa exhibition, marami ring pagkakatulad ang sining Pinoy

at ng Africa.



«Ang sining ng Pilipino at Africa ay halos magkakatulad sa tema katulad ng mga

magagandang kapaligiran, tradisyon at pamilya. Parehas silang gumagamit ng masasayang

kulay na nagpapakita ng makulay at mayamang kultura,» ayon kay Yelcast sa interbyu nito sa

Pinoy Portal Europe (PPE).


Napansin din ni Dale Bagtas na «ang aking artworks ay may similarity sa Philippine Art at

South African art kasi parehong gumagamit ng vibrant colors, textured details, at organic

shapes na nagre-represent ng nature, culture at spirituality.”

Aris Bagtas thinks Philippine art and South African art show so many similarities in terms of themes and styles.. [Photo courtesy: KUNST Filipino]
Aris Bagtas thinks Philippine art and South African art show so many similarities in terms of themes and styles.. [Photo courtesy: KUNST Filipino]

Ayon din si Aris Bagtas, ang kultura ay "subject na gamit din sa pagbuo ng obra, (kabilang

na) ang tradisyon at everyday life" at dahil bukas ang Pilipinas sa "aspeto ng tradisyunal na

paggamit ng human figure at mga paligid natin” kaya sa tingin niya ay “di malayo ang anyo

ng art nila sa atin.”


Pero dagdag pa ni Bagtas, "ang estilo ng bawat artist sa 2 bansa ang nagpapatibay na bawat bansa na magkalayo man, ito ay tumatayo at nagbibigay ng original na identity ng bawat pintor dahil sa kinalakihang pamilya na nagbibigay prisenya sa bawat sining na nililikha ng bawa isa.”



Artist Remo Valenton at work with his obra. He is joining the artists in the KUNST Filipino exhibition in South Africa.  [Photo courtesy: KUNST Filipino]
Artist Remo Valenton at work with his obra. He is joining the artists in the KUNST Filipino exhibition in South Africa. [Photo courtesy: KUNST Filipino]

Para rin kay Remo Valenton, “ang impluwensya ng magkaibang bansa sa larangan ng sining at kultura ay makikita sa kanilang ipinipinta, ngunit ang mga kulay ay naroon pa rin. Ang lahat ay gusto lamang iparating sa lahat na tayo ay may kakayahan na pagyamanin ang mga kani-kalinang impluwensya para sa ikabubuti ng bawat isa lalo na sa larangan ng sining.”


Bukod sa eksibisyon, magkakaroon rin ng mga free lectures at art workshop sa students of

fine arts from the University of Pretoria at sa mga kababayang Filipino.







###


 
 
 

Comments


Subscribe Form

  • facebook
  • twitter
  • instagram
  • youtube

©2020 by Pinoy Portal Europe. Proudly created with Wix.com

bottom of page