Pope Francis yumao na
- Pinoy Portal Europe
- Apr 21
- 2 min read
by Jackie de Vega
Vatican City - Pumanaw na si Pope Francis.
![Pope Francis waving to his flock of pilgrims in the Jubilee of the World of Communications in January 2025. [Screencap from video by Jackie de Vega]](https://static.wixstatic.com/media/feef9f_7cacce6e5f4d45219531868c249f2836~mv2.jpg/v1/fill/w_980,h_553,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/feef9f_7cacce6e5f4d45219531868c249f2836~mv2.jpg)
Kinumpirma ng Vatican na pumanaw ang Santo Papa sa edad na 88 taon ngayong umaga, Lunes ng Pagkabuhay, Abril 21, 2025, ganap na alas 7:35 ng umaga sa kanyang tirahan sa Casa Santa Marta.
Sa opisyal na pahayag ni Cardinal Kevin Farrell, ang Camerlengo ng Vatican, sinabi niya: "Alas-7:35 ngayong umaga, ang Obispo ng Roma, si Francisco, ay bumalik na sa tahanan ng Ama. Inialay niya ang kanyang buong buhay sa paglilingkod sa Diyos at sa Simbahan."
Sa St. Peter's Square, tuloy naman ang pilgrimage ng Jubilee.
Ngunit naglabas na rin ng abiso ang Vatican Press na suspendido ang canonization ni Blessed Carlos Acutis na gaganapin dapat ngayong Linggo, April 27.
As of writing, patuloy ang daloy ng mga taong pumapasok sa St. Peter's Basilica at dumarami rin ang mga tao sa St. Peter's Square.
May mga ilang grupo rin ang taimtim na nagrorosaryo at may ilang nag-alay ng bulaklak para kay Pope Francis.
![Mourners at the Vatican show their photographs of Pope Francis who passed away today. [Photo by Jackie de Vega]](https://static.wixstatic.com/media/feef9f_5b5d8f5685b34ff593ddf9152058d543~mv2.jpg/v1/fill/w_980,h_551,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/feef9f_5b5d8f5685b34ff593ddf9152058d543~mv2.jpg)
Mamayang 7:30pm (Italy time), papangunahan ni Cardinal Mauro Gambetti ang isang rosaryo para kay Pope Francis sa St. Peter's Square ayon sa ulat ng press office ng Vatican.
Gaganapin rin ngayong gabi ang "rite of the ascertainment of death" ni Pope Francis.
Si Cardinal Kevin Farrell, Camerlengo of the Holy Roman Church, ang mangunguna sa seremonya at sa paglalagay ng katawan Santo Padre sa kabaong sa Lunes ng gabi.
###
Comments