Pinapalipas ni Sonia ang panahon sa pagmarka sa bawat araw na kanyang inilalagi na mag-isa sa kanyang bahay sa Espanya habang naka-home quarantine dahil sa karamdaman.
Ulat ni Sandra Sotelo Aboy, Spain
ESPANYA -- Tuloy ang trabaho ni “Sonia” (di tunay na pangalan) dahil partido ang kaniyang oras – pasok sa umaga, uuwi pagkatapos magpakain, babalik sa hapon, at uuwi muli matapos magpahapunan sa kaniyang employer.
Nangamba na si Sonia sa maaaring maging epekto ng mga biyahe niya sa trabaho sa kanyang kalusugan, pero wala siyang magawa kundi magpatuloy sa pagtratrabaho para sa mga pinapaaral niyang anak sa Pilipinas.
At nang isang araw, sumama umano ang kaniyang pakiramdam, hindi na siya pinapasok ng kanyang employer.
Tumawag naman agad sa doctor si Sonia at matapos alamin ang kaniyang nararamdaman, mahigpit siyang pinagbilinan na huwag lalabas ng bahay.
Mahigit isang linggo nang naka-home quarantine si Sonia. Mag-isa lang sa bahay dahil sa malayo nagtatrabaho ang kaniyang asawa. Tanging telephone ang contact niya sa pamilya.
Pinapadalhan naman siya ng kanyang asawa ng mga pagkain at gamot. Dine-deliver sa pintuan. Kaya kahit mag-isa, pinipilit niyang kumilos para hindi panghinaan ng loob.
Araw-araw naman ang monitor sa kaniya ng doctor. Kaya, araw-araw binibilugan ni Sonia ang kalendaryo. Binibilang ang paglipas ng mga araw hanggang sa araw ng kanyang paggaling.
PAUNAWA: Sinadyang hindi ibinigay ang tunay na pangalan at iba pang detalye para mapangalagaan ang kaniyang identity, ng employer at pamilya. Ayon kay "Sonia," maayos ang kalagayan ng kanyang employer, asawa at ng mga anak.
Pakinggan ang salaysay ni "Sonia" sa kanyang kalagayan.
Kabayan pinay palakas ka at kumain panlaban mo sa sakit mo.npakahirap solo talaga.
Na nagpapagaling.marami trabajo ayahn mu n yon.trabajo marami blessings pra sa iyo.drating double ingat Ok pagaling k at palakas.goodluck kaya mo yn.dasal panalangin sandata natin.keep it safe always