top of page
Search

Payo sa Pinoy travelers: Kumpletuhin ang immigration papers para walang bulilyaso sa airport

  • Writer: Pinoy Portal Europe
    Pinoy Portal Europe
  • Apr 23
  • 3 min read

PINOY PORTAL EUROPE

UK IMMIGRATION PORTAL

 

By Gene Alcantara


Uuwi ba kayo sa Pilipinas para magbakasyon o may business matters?

 

Siguruhin na may pruweba kayo ng inyong visa o karapatang manirahan sa United Kingdom (UK).

 


A screenshot of what the Share Code looks like, showing the immigrant's photograph, full name, date of birth, nationality and visa status, in this case Settled, No Time Limit. [Screenshot by Gene Alcantara]
A screenshot of what the Share Code looks like, showing the immigrant's photograph, full name, date of birth, nationality and visa status, in this case Settled, No Time Limit. [Screenshot by Gene Alcantara]

Kung hindi po ninyo dala ang lahat ng kinakailangan, baka magkaproblema at maantala kayo sa Philippine immigration kapag pabalik na dahil dinodobol tsek nilang mabuti ang lahat.


Bago po kayo umuwi sa Pilipinas, tiyakin na hawak ninyo ang dating Biometric Residence Permit (BRP) kahit po ito ay expired na, at ang printout ng inyong eVisa at yung tinatawag na Share Code.


Kung ang dati ninyong visa ng Settlement o Indefinite Leave to Remain ay nakatatak sa lumang pasaporte, kailangan ninyo pa ring dalhin yang pasaporte.


Kailangan din ninyong dalhin ang email na sulat ng Home Office na kinukumpirma na kayo ay Settled na, o may “No Time Limit” status sa United Kingdom (UK).


Ang “No Time Limit” po ang bagong terminolohiya na ipinapalit sa Indefinite Leave to Remain, at kaakibat ng salitang Settled.


Base po ang payong ito sa tawag kagabi ng isa kong medyo nagpapanic na kliyente na pabalik na sa United Kingdom matapos mag-holiday sa Pilipinas.


Pagdating niya sa Immigration sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA, ipinakita niya ang printout ng kanyang  eVISA at yung expired BRP.


Kaya lang ang pilit hinihingi sa kanya ay email daw na nagsasabing No Time Limit na siya.


Ito ang dahilan kaya tumawag siya sa akin medyo gabi na para humingi ng tulong. 


Nagkataong nasa bahay na ako at nakapagbukas agad ako ng computer. (Kung nagkataong wala ako, siguradong magkakaproblema ang kliyente!)


Sa paghingi ko ng paliwanag kung ano talagang kailangan, nalaman ko na mukhang naghalu-halo ang mga hinihingi ng Immigration.


Kasi nga kung mayroon kayong BRP, sapat na ang eVisa para patunayan ang inyong visa status, at kung hihingin, ay pwede ring ibigay ang Share Code.


Ang Share Code ay isang dokumento na pwedeng i-download mula sa Home Office website pag nag-access ng inyong eVisa.


Ito ang Share Code na pwedeng ibigay sa employer, landlord, airline o sinumang humihingi ng pruweba ng visa status ng isang immigrant sa UK.  Ito ay may 9 digits ng mga letra o numero at may expiration date. [Screenshot by Gene Alcantara]
Ito ang Share Code na pwedeng ibigay sa employer, landlord, airline o sinumang humihingi ng pruweba ng visa status ng isang immigrant sa UK. Ito ay may 9 digits ng mga letra o numero at may expiration date. [Screenshot by Gene Alcantara]

Ang Share Code ay may siyam na digits na binubuo ng mga letra o numero na pwedeng buksan ng employer or airline para ma-verify ang inyong visa.


Pero ang hinihingi nila ay email -- ibig sabihin,  ang biyahero ay may lumang visa na nakatatak sa expired na pasaporte.

 

Kinumpirma ng Home Office ang kanilang status sa pamamagitan nga ng isang email na nagsasabing meron na silang Settled o No Time Limit status.


Ang ginawa ko ay ipinadala sa kliyenteng byahera ang pdf copy ng bagong download niyang digital eVisa na may litrato niya, full name at date of birth at Settled, No Time Limit status. 


Kasama nito idinagdag ko ang isa pang form na may summary kung ano ang makikita sa Share Code, at ang Share Code na may siyam na letra at numero.


Ang ginawa ng Immigration, tsinek ang lahat ng requirements at buti na lang, satisfied sa mga dokumentong ipinadala ko at sa Share Code.

 

Dahil aprubado na,  pinayagan na ang kliyenteng makapasok sa loob ng NAIA departure area at tuluy-tuloy na siyang nakalipad pabalik sa UK.

 

Paalala sa mga wala pang eVisa sa UK: ang deadline po para mag-apply ay June 30, 2025 para palitan ang lumang tatak sa passport o expired Biometric Residence Permit.

 

Kailangan ninyo po itong gawin para hindi kayo magkaproblema o madelay sa Philippine Immigration o sa UK Border Force.


###

 


ReplyReply allForward

Add reaction


 
 
 

Comments


Subscribe Form

  • facebook
  • twitter
  • instagram
  • youtube

©2020 by Pinoy Portal Europe. Proudly created with Wix.com

bottom of page