Idineklara na ng Health Ministry sa Espanya ang pagpapasara ng lahat ng paaralan sa rehiyon ng Madrid at Vitoria mula kindergarten hanggang universities kaugnay ng banta ng Covid-19. Tatagal ang pagpapasara nang dalawang linggo mula 11 ng Marso.
Samantala, may pasok pa rin ang mga guro at inaatasan sila na magbigay ng online syllabus sa kanilang mga estudyante kahit sarado ang mga paaralan.
Umabot na sa 47 ang naitalang namatay sa buong bansa, 31 nito ay mula sa Madrid. 2,109 ang naitalang kaso ng Covid-19 habang 136 ang naka-recover sa sakit.
Bukod sa education sector, apektado na rin ang airline industry matapos ipag-utos ng gobyerno ang pagpatigil ng mga direct flights mula Italya papuntang Espanya hanggang Marso 25.
-Ulat ni Sandra Sotelo
(Isa ang Espanya sa may pinakamataas na naitalang kaso sa Europa. Kuha ni Sandra Sotelo)
Tags: #COVID19 #coronavirus
Read more: Buong Italya, isinailalim na sa lockdown
Comments