top of page
Search
Writer's picturePinoy Portal Europe

MAHALAGANG PABATID HINGGIL SA AVIATION PROTOCOLS

DOTr ADVISORY

18 Marso 2020


Alinsunod sa pulong ng IATF on EID noong 17 Marso 2020, ipinababatid ang sumusunod na MAHALAGANG PABATID HINGGIL SA AVIATION PROTOCOLS (Important Updates on Aviation Protocols):


- Ang 72-oras na palugit para sa international flights ay ipinawawalang-bisa. Maaari nang umalis ng bansa anumang oras, ang sinuman, anuman ang kaniyang nationality, maliban sa mga turistang Filipino.


- Ang mga pasaherong mula sa ibang bansa ay pinahihintulutang makapasok, sa pasubaling mahigpit na tatalima sa immigration at quarantine protocols.


- Napagkasunduan na ang medical certificate ng mga pasaherong mulang Italy at Iran ay kailangang pinagtibay ng kanilang embahada at nagpapatunay na maayos ang kanilang kalusugan.


- Pahihintulutang magpatuloy ang operasyon ng sweeper flights na magdadala sa mga dayuhan sa paliparan o airport.


- Isang tao lámang ang maaaring maghatid sa pasahero sa paliparan o airport at kailangan nitong umalis kaagad pagkaraang maihatid ang pasahero. Kailangang dala ng drayber ang kopya ng tiket sa eroplano ng pasahero bilang proof of conveyance (katibayan ng paghahatid).


Para sa kaalaman ng lahat

Maraming salamat.


(Salin sa Filipino ng Komisyon sa Wikang Filipino)






799 views0 comments

Comentarios


bottom of page