top of page
Search
Writer's picturePinoy Portal Europe

KUNG HINDI PA KAYO BRITON, MAG-APPLY NA NG eVISA BAGO MATAPOS ANG TAONG 2024

Salin at kompilasyon ni Gene Alcantara

 

Kung hindi pa kayo mamamayan ng Britanya (British Citizen o Briton), pihadong ang hawak ninyo ngayon ay ang tinatawag na biometric residence permit (BRP)  o biometric residence card (BRC). Kasama dito ang mga mayroon nang Settlement Indefinite Leave to Remain at yung may temporary leave to remain lang.

Mga labing-apat na taon nang ibinibigay ito ng Home Office sa mga aplikante ng visa para mayroon silang pruwebang maipapakita ng kanilang visa status, na parang credit card lamang ang laki at nipis, kapag bumyahe sa labas ng bansa o kapag hinanapan sa trabaho.

Kung napakatagal na ninyo rito sa UK at matagal na ring mayroong Settlement, Indefinite Leave to Remain o kahit Indefinite Leave to Enter, at hindi kayo nag-apply ng BRP, malamang na ang tatak ng visa ninyo ay nasa isang lumang pasaporte na siguradong expired na rin.


At kapag naglalakbay kayo, dala-dala ninyo ang lumang pasaporte na may tatak o yung tinatawag na vignette stickers, at ipinapakita ito kasama ng bagong pasaporte kung hahanapin ng Border Officers. Ang vignette stickers o tatak sa pasaporte ay hindi na po ngayon tinatanggap.


Mula noong 2018 ang European citizens o pamilya ng European citizens na may karapatang tumira dito ay pinadalhan na ng Home Office sa EU Settlement Scheme ng email ng kanilang visa status, at mayroon na itong kaakibat na electronic record na makukuha sa pamamagitan ng Sharecode (eVisa).


Mula 1 January 2025, ang BRP, BRC, vignette stickers o tatak sa pasaporte ay hindi na po valid, kaya kailangan po ninyong papalitan ang mga ito sa lalong madaling panahon.


Ano ang eVisa?


Ang eVisa ay online record ng inyong immigration status at ang mga kondisyon ng inyong pahintulot na pumasok o manatili sa UK. Kakailanganin ninyong lumikha ng isang UKVI account para ma-access ang inyong eVisa.


Ang pag-update ng inyong pisikal na dokumento sa isang eVisa ay hindi nakakaapekto sa iyong katayuan sa imigrasyon o sa mga kondisyon ng inyong pahintulot na pumasok o manatili sa UK. Bagkus ay madali ninyong maipapakita na kayo ay legal dito sa UK.

Sa hinaharap ay magagamit ang eVisa para makapunta sa UK – hindi na kailangang magdala ng pisikal na dokumento, maliban sa inyong kasalukuyang pasaporte, na dapat nakarehistro sa inyong UKVI account.

 

Hanggang sa katapusan ng 2024 kailangang patuloy na dalhin ang iyong pisikal na dokumento (BRP o BRC) kapag naglalakbay ka, kung mayroon ka ng isa sa mga ito.

Mga benepisyo ng eVisa ayon sa Home Office:


• Ito ay ligtas at hindi maaaring mawala, manakaw o mapeke, hindi tulad ng pisikal na dokumento

• Hindi mo na kailangang hintayin, o kolektahin, ang pisikal na dokumento pagkatapos na mapagpasyahan ang iyong aplikasyon – maaaring kailanganin mo pa ring magbigay ng biometric information nang personal, at sasabihin ng Home Office sa iyo kung kailangan mong gawin ito

• Magiging mas mabilis at mas madaling patunayan ang iyong katayuan sa UK Border Force

• Madali ring ibahagi ang iyong katayuan sa mga third parties tulad ng mga employers at mga landlords o may-ari ng inuupahang bahay.


Bakit kakailanganin ng UKVI account?


Pinapalitan ng UKVI ang mga pisikal na dokumento ng isang online na talaan ng inyong katayuan sa imigrasyon.


Kailangan ninyong gumawa ng UKVI account para ma-access ang inyong eVisa at magbigay ng impormasyon tungkol sa inyong katayuan sa imigrasyon at mga kondisyon, tulad ng inyong karapatan na magtrabaho o magrenta ng tirahan sa UK. Sundan po ang link sa ibaba -- 


Tingnan at patunayan ang iyong katayuan sa imigrasyon:  kumuha ng share code

View and prove your immigration status: get a share code - GOV.UK (www.gov.uk)


Hindi ninyo kailangang magbayad para gumawa ng isang UKVI account.

Maaari kayong manood ng isang video para makita kung paano lumikha ng isang UKVI account at ma-access ang inyong eVisa.


Link on how to create a UKVI account and access your eVisa (video) -

What is an eVisa? (video) - GOV.UK (www.gov.uk)


Paano gagamitin ang UKVI account?


Kapag nagawa na ninyo ang inyong UKVI account, magagawa ninyong tingnan ang mga detalye ng inyong eVisa online, halimbawa ang uri ng inyong pahintulot, kailan ito mageexpire at ang mga kondisyon ng inyong pananatili sa UK.


Maaari ninyong i-update ang inyong personal na impormasyon sa inyong UKVI account, tulad ng inyong mga detalye ng contact.


Link: Update your UK Visas and Immigration account details: Overview -

 

Ang inyong eVisa ay ililink sa inyong pasaporte sa inyong UKVI account.

 

Kailangan ninyong panatilihing updated  ang inyong mga detalye ng pasaporte o ID card sa inyong UKVI account at sabihin sa Home Office ang tungkol sa anumang mga pagbabago.

 

Ito'y para ang inyong katayuan sa imigrasyon ay madaling makita sa UK Borders. Kailangan pa rin po ninyong dalhin ang inyong kasalukuyang pasaporte kapag naglalakbay.


Paano kumuha ng eVisa at UKVI account?


Kung mayroon po kayong biometric residence permit (BRP) na mag-eexpire sa 31 Disyembre 2024, kailangan ninyong lumikha ng isang UKVI account para ma-access ang inyong eVisa bago ang petsa ng pag expire ng inyong BRP.

 

Kung kayo ay na-contact na para gumawa ng isang account, sa pamamagitan man ng email o isang sulat ng desisyon, maaari ninyo na ngayong sundin ang mga tagubilin na ipinadala ng Home Office sa inyo upang lumikha ng isang UKVI account.


Kung mayroon kayong iba pang pisikal na dokumento


Kung mayroon kayong indefinite leave to enter o indefinite leave to remain (alam din bilang settlement), at kasalukuyang pinatutunayan ninyo ang inyong mga karapatan sa pamamagitan ng ibang uri ng pisikal na dokumento, tulad ng wet-ink stamp sa inyong pasaporte o isang vignette sticker, kinakailangan ninyong gumawa ng isang ‘no time limit’ (NTL) na aplikasyon.


Kung successful ang NTL application ninyo, tatanggap kayo ng BRP para patunayan ang inyong mga karapatan sa imigrasyon.

 

Dapat ninyong dalhin ang inyong BRP, kasama ang inyong kasalukuyang pasaporte, kapag naglalakbay sa labas ng bansa. Kapag mayroon kayong BRP, magagawa ninyong lumikha ng isang UKVI account upang ma-access ang inyong eVisa sa taong ito.

Kung mayroon kayong biometric residence card (BRC) at nabigyan kayo ng status sa ilalim ng EU Settlement Scheme, ibig sabihin noon ay mayroon na kayong eVisa at hindi ninyo na kailangang gumawa ng anumang aksyon upang makakuha ng eVisa.

 

Maaari ninyong mabasa ang mga detalye kung paano ma-access at gamitin ang inyong eVisa (ang inyong digital status) sa inyong sulat ng grant o email. Dapat patuloy ninyong dalhin ang inyong BRC kapag naglalakbay kayo sa ibang bansa.


Kung kayo ay isang British o Irish citizen, at hawak ninyo ang isang British o Irish passport, hindi ninyo kailangan ng eVisa o isang UKVI account at hindi na kailangang gumawa ng anumang bagay. Dapat ninyong patuloy na gamitin ang inyong pasaporte upang patunayan ang inyong katayuan sa UK.


Kung kailangan ninyong gumawa ng isang bagong aplikasyon para sa pahintulot na manatili sa UK, dapat ninyong sundin ang karaniwang proseso ng aplikasyon. May ibibigay na mga impormasyon at gabay sa proseso ng aplikasyon kung kailangan ninyong lumikha ng isang UKVI account.


Paglikha ng UKVI account


Kung handa na po kayong mag apply ng UKVI account at ma-access ang inyong eVisa na ipapalit sa inyong BRP, at mayroon kayong kinakailangang aparato, mangyaring sundin po ang mga tagubilin sa ibaba:

 

Para lumikha ng inyong UKVI account, kakailanganin ninyo ang:


• Ang petsa ng inyong kapanganakan

• Ang inyong BRP Number

• Ang inyong pasaporte (kung wala kayong BRP)

• Access sa isang email address at numero ng telepono

• Access sa isang smartphone


Gawin po ang inyong UKVI account sa website na ito:



Kung kailangan ninyo ng tulong


Maaari kayong humingi ng tulong sa paglikha ng isang UKVI account at pagkuha ng access sa eVisa.


eVisa Webchat (homeoffice.gov.uk)


Kung wala kayong internet access o wala kayong access sa isang aparato tulad ng computer, laptop o smart phone, maaari kayong makakuha ng tulong sa Home Office sa paggawa sa inyong online application.


Hindi po maaaring magbigay ng payo ang Home Office sa mga indibidwal na aplikasyon kapag nakipag ugnay kayo sa kanila.


Kung kailangan po ninyo ng personal na payo o tulong sa pag-aapply ng eVisa, mangyari pong tumawag, mag-email o magmessage sa Facebook o WhatsApp sa kababayang si Gene Alcantara na isang Immigration Adviser.


Gene Alcantara

Whatsapp +447958429056


###

53 views0 comments

Comments


bottom of page