Deadline sa enrolment para sa internet voting, pinalawig hanggang 12 noon Ph time, May 12
- Pinoy Portal Europe
- May 10
- 2 min read
Ni Jackie de Vega
Nanawagan ang Philippine Embassy sa Roma sa rehistradong overseas Filipinos na sumali sa isinasagawang online voting ngayong 2025 midterm elections.
Sa botohan, pipili ang mga botante ng 12 senador at 1 party-list group na magtatrabaho sa Kongreso ng Pilipinas.
Ayon kay Consul General Randy Arquiza, mahalagang gamitin ng bawat Pilipino sa Italya ang kanilang karapatang bumoto, lalo na’t isa itong paraan para magkaron ng magandang kinabukasan ang bayan.
"Well, in a way high tech na, so mas mabilis. So it only takes 5 minutes to ah actually 3 minutes to 5 minutes enroll, then once successful enrollment, pwede nang bumoto.", paliwanag ni Arquiza.
Ang online voting period ay nagsimula noong Abril 13 at magtatapos sa Mayo 12, 2025.
Inanunsyo rin ng embahada na pinalawig ang deadline para sa self-enrollment ng overseas Filipino voters hanggang 12:00 ng tanghali (Philippine Standard Time) sa Mayo 12.

Ito ay para sa makaboto ang mga botanteng hindi pa nakaka-access ng kanilang voter accounts.
Pumunta lang at i-click ang ov.comelec.gov.ph/enroll para malaman ang inyong voter account.
Naabutan ng Pinoy Portal Europe sa embahada ang botanteng si Nicanor Marin, Jr.
Kwento niya, para masisiguro niyang hindi scam or spam ang mapupuntahan niya, dumiretso sa embahada para magpa-assist sa self-enrolment at makaboto.
“Pagka mahina ang internet, magkakatoon kayo ng problema saka yung knowledge sa paggamit ng devices," paliwanag ni Marin Jr.
Ang paggamit ng online voting ay makasaysayang hakbang sa pagbabago ng paraan ng pagboto sa Pilipinas.
Ang tagumpay ng pilot programa na ito ay maaaring magdala ng malalaking pagbabago hindi lang sa overseas voting kundi pati na rin sa pambansang halalan sa Pilipinas.
Paniwala ni Con. Gen. Arquiza, kung magtagumpay ang internet voting, pwede itong magbukas ng pinto para magamit sa susunod na na eleksyon sa Pilipinas.
"Well, I think if it is successful, it would push through. So that means since this is the first time for online voting, I foresee for the next succeeding overseas elections, it will be online voting." Paliwanag ni Arquiza.
Sa kasalukuyan, mahigit 70 foreign service posts ang kalahok sa pilot program.
Patuloy naman ang paalala ng embahada sa mga botante na tiyaking aktibo ang kanilang voter status at bumoto bago mag-deadline.
Para sa dagdag na impormasyon at gabay, bisitahin ang opisyal na Facebook page ng Philippine Embassy in Italy o tumawag sa kanilang hotline.
###
Comments