top of page
Search

Pinoy artist groups magdadaos ng art tours sa Europa at Africa

Writer: Pinoy Portal EuropePinoy Portal Europe

ni Virgilio Cuizon

Essen, Germany



Maglilibot ang iba't ibang Filipino artist groups sa France, Spain, at Germany sa Europa at sa South Africa mula Pebrero hanggang Abril nitong taong 2025 para magtanghal ng mga arts exhibits sa mga nabanggit na lugar. 




This article is sponsored by KUNST FILIPINO
This article is sponsored by KUNST FILIPINO

Nitong Pebrero ay ipagdiriwang ng mga miyembro ng Van Vianen Artspace Artists ang Araw ng Sining sa pamamagitan ng pagtanghal ng eksibisyon na gaganapin sa Art Capital, Grand Palais, Paris France mula Pebrero 18 hanggang 22. Kabilang sa mga magtatanghal ng kanilang mga paintings ay sina Marites Van Vianen (ang may ari ng Van Vianen Artspace ) sa Mindoro, Philippines; Karen Fabie Conceptcion, Myle Salonga, Day Pajarillo, Bong Canuel, James Ryan C. Buenacosa, Jovelyn Medalle, Aurea “Oyette” Calanoc, Chelony Mercado Lelieveld, Tei Leonardo, Marie Therese Villa, Carmela Geisert at ang special guest artist na si Farinaz Shakiba.


Van Vianen Artspace Artists exhibition:  Feb 18 - 22
Van Vianen Artspace Artists exhibition: Feb 18 - 22

Tutulak naman  ang grupong 1159 Creative Space Artists papuntang Madrid, Spain sa darating na  Marso. Temang Cuadrado: the Art of Square ang ipapakita ng mga pintor na sina Frederick Epistola ( Founder Art Show Philippines) Head of Delegation , Raneil Ibay, Mai Pimentel De dios, Rhea Rhedge Camba, at Lei De Jesus. Sa mga kategoryang Realism, Fauvism, Cubism, Expressionism at Impressionism ilalarawan nila ang kwento ng bawat obra nila. Ang eksibisyon ay gaganapin sa Artist 360-Feria de Arte Contemporáneo sa Convention Center Madrid, Spain mula March 6 hanggang March 9, 2025.



1159 Creative Space Artists,  March 6 - 9
1159 Creative Space Artists, March 6 - 9


 Ang Filipino Artists Guild-Europe na pinamumunuan ng Pinay painter na si Chelony Pinaypainter ( Chelony Mercado Lelieveld) na base sa The Netherlands ay magpapakita ng kanilang mga obra sa “ Likha’t Latik III Intercultural Fashion and Art Show ng Dollglam Production na gaganapin sa Van der Valk Hotel Melle in Osnabrück, Germany sa March 8, 2025. Ipapakita  ng 20 pintor na Filipina sa temang Woman, Her life Her Style ang kanya kanyang kwento sa mga komposisyon  sa kategoryang Realism at Abstract paintings.




Filipino Artists Guild-Europe, March 8
Filipino Artists Guild-Europe, March 8

 

Sa darating na Abril ay lilipad naman sa South Africa ang mga pintor ng KUNST Filipino. Sa temang  Viaje 6: Filipinism What Makes Art Filipino “ Making Visible Things Visible” . Ang eksibisyon ay inorganisa ng Embahada ng Pilipinas sa Pretoria sa pangunguna ni Ambassador Norilyn Baja na gaganapin sa The Javett Art Gallery , University of Pretoria. Dadalo ang mga premyadong pintor na  sina Ernesto “Aris “ Bagtas Jr (Kunst Art Director) Head Of Delegation, Ariosto Dale Bagtas, Grand prize winner sa 2 prestiyosong kumpetisyon sa Sining Biswal ng GSIS taong 2019 at Metro Bank MADE  taong 2021.Nanalo din siya ng 2nd Prize sa Florence Bienalle taong 2023; Remo Valenton, Founder and President of BAGSIK at Loriel “ Yelcast” Castillo Founder ng Visual Poetry of the Philippines at Presidente ng Arte Bauan.

 



Ang Filipinism What Makes Art Filipino ay isang pagpapakita at pagkakakilanlan ng sariling sining sa pagpipinta ng mga bagay na laging nakikita at naging bahagi ng buhay natin pero hindi nabigyan ng halaga. Ang viaje naman ay isang paglalakbay para maipakita ang sining ng Pilipino at ang kahalagahan ng rehiyonal na kontemporaryong sining ng Pilipino na kaugnay ang pamana ng kultura natin. Mahalaga din sa mga art tours na ito sa ating mga pintor  dahil  natututo rin sila sa kultura ng ibang bansa.

 



Nagsama-sama ang ilan sa mga artista sa isang eksibisyon
Nagsama-sama ang ilan sa mga artista sa isang eksibisyon

Sa mga ganitong biyahe ay nagbibigay din ito ng daan para  makilala ang sining ng Pilipinas at magbubukas ng  oportunidad para matuklasan din ng mga sikat na galerya ang kanilang talento at mga obra.



- end-


Para sa kwento ng paglalakbay ng mga Pinoy pintor para ang Sining Filipino, abangan ito sa mga susunod pang ulat dito sa Pinoy Portal Europe.

 
 
 

Comentarios


Subscribe Form

  • facebook
  • twitter
  • instagram
  • youtube

©2020 by Pinoy Portal Europe. Proudly created with Wix.com

bottom of page