By Sonny Fernandez
Maligaya ang Kapaskuhan ng civilian volunteers ng Christmas Convoy, at frontliners at mga mangingisda sa West Philippine Sea.
Ito'y matapos makalusot sa panggigipit ng Chinese vessels nitong December 11, ang isang supply boat na kasama sa makasaysayang Christmas Convoy ng Atin Ito Coalition.
Volunteers ng mother ship, M/V Kapitan Felix Oca, habang winawagayway ang
banderitas ng Pilipinas as Atin Ito Coalition.
PHOTO courtesy of Akbayan Party
Sa post ng Akbayan Party, ibinalita ng Atin Ito Coalition na tagumpay na naihatid ng M/V Chowee ang mga supply at Noche Buena packages para sa Lawak Island community na isang mission ng Convoy.
Tagumpay na nakadaong ng volunteers ang mga supply at Noche Buena packages sa
Lawak Island community matapos nakalusot ang supply boat M/V Chowee sa
harassments ng Chinese vessels, Lunes December 11.
PHOTO courtesy of Akbayan Party
Ang iba pang supply at regalo ay Philippine Coast Guard na ang magdadala sa iba pang isla at features na may fisherfolk community at frontliners na nakabantay tulad ng Ayungin Shoal, Patag at Pag-asa Islands.
Napilitan kasing bumwelta pabalik sa El Nido, Palawan ang mother ship nang buntutan at palibutan ito ng 2 navy warships, isang China Coast Guard at isang China Maritime Militia vessels, Linggo December 10.
Isa-isang binubuhat ng volunteers ang mga ayuda para sa fisherfolk community sa Lawak Island.
PHOTO courtesy of Akbayan Party
Bagaman naudlot ang mother ship T/S Kapitan Felix Oca at ibang maliliit na bangka ng convoy na dumiretso sa ibang target islands at features, tagumpay pa rin ang mission nang maigiit ng maliit na civilian supply boat ang karapatan ng mga Pilipino na maglayag sa West Philippine Sea.
Ang mga volunteer na mangingisda sa mga nakahilerang bangka sa litrato ay parte ng Atin Ito Christmas Convoy.
PHOTO courtesy of Adia Lim, Akbayan Party
###
Bình luận