top of page
Search
Writer's picturePinoy Portal Europe

Chancellor Merkel, inilahad ang mga panibagong regulasyon sa ilalim ng lockdown sa Germany



Ulat ni Jessica Gross, Germany


FRANKFURT - Sa kabila ng pagpanatili ng mga restrictions sa ilalim ng lockdown na tatagal pa hanggang Mayo 3, naglahad na si German Chancellor Angela Merkel ng mga panibagong measures sa bansa sa ginanap na press conference sa Berlin kahapon.


Kabilang sa mga bagong regulasyon na ipapatupad bilang hakbang sa pagsugpo ang kumakalat na Covid-19 ay ang pagbubukas muli ang mga eskwelahan para sa mga estudyante sa mataas na antas sa darating na Mayo 4.


Ang mga maliliit na retailers naman ay maaari nang mag bukas sa Lunes, ika-19 ng April.


Ang pag susuot ng face masks ay hindi gagawing obligatory ngunit ito ay iminumungkahi ng gobyerno ang magsuot ng face masks sa loob ng mga public transports at pampublikong lugar.


Bawal pa rin ang mga malalaking events hanggang 31 ng Agosto. At pinagbabawal rin ang pakikipagkita sa ibang tao na hindi kasama sa Loob ng bahay.


Ang border din sa Austria, Switzerland, France, Poland ay mananatiling sarado pa ng dalawampung araw.

Samantala, nagpalabas na ang siyudad ng Hanau sa Hessen ang ng ordinansya sa mandatory na paggamit ng face masks sa labas ng bahay. Mamamahagi rin ng libre facial masks sa kanilang nasasakupan.



45 views0 comments

Comments


bottom of page