top of page
Search

Art Capital Exhibition na dinaluhan ng Pinoy artists dinagsa sa Paris

Writer: Pinoy Portal EuropePinoy Portal Europe

Updated: Mar 7

ni Virgilio Cuizon

  Essen, Germany



Philippine Ambassador to France, Ambassador Junever Mahilum -West cutting the ribbon at the opening of the exhibit at Grand Palais in Paris.
Philippine Ambassador to France, Ambassador Junever Mahilum -West cutting the ribbon at the opening of the exhibit at Grand Palais in Paris.

Mahigit sa apatnapung libong tao ang dumagsa sa ginanap na Art Capital Exhibition sa Grand Palais sa Paris, France.


Sa apat na araw ma exhibition mula Pebrero 19 hanggang Pebrero 22 ay dumalo rin ang mahigit na dalawang libong artists mula sa maraming bansa.


Kasama ang grupo ng Van Vianen Artspace na inorganisa ng founder na si Marites Van Vianen, curator at gallerist mula sa Mindoro sa mga nagsilahok na galing pa sa Pilipinas.  

 

Kasama niya na nagpakita ng kanilang mga obra ang mga pintor na sina Karen Fabie Concepcion, Myse Salonga, Day Pajarillo, Bong Canuel, Chelony Mercado Lelieveld, Aurea “Oyette” Calanog, Jovelyn Medalle, James Ryan C. Buenacosa, Tei Leonardo, Marie Therese Villa, Carmela Geisert, Marievic Beaune at special guest artist na si Farinaz Shakiba.

 

Ipinakita nila sa exhibit ang kanilang kontemporaryong obra na ginamitan ng ibat ibang kategorya at pamamaraan.


Ayon kay Van Vianen, sa lahat na sinalihan nilang mga exhibition ay ito ang pinakamasaya at nag-enjoy silang lahat. Mahalaga rin aniya ay na-promote ang mga artists dito sa Pransya. 


 Ayon naman sa artist na si Chelony Mercado Lelieveld, ang kaganapan ay hindi lamang pagdiriwang ng kanilang artistikong kontribusyon kundi pagpapatibay din ng kanilang papel sa pagtataguyod ng diplomasyang pang kultura sa pamamagitan ng sining biswal.


Si Lelieveld aka Chelony Pinaypainter ay tubong Lipa, Batangas at kasalukuyang naninirahan sa The Netherlands. 



Chelony Mercado is one of the participating Filipino artists in the Art Capital Exhibition in Paris.
Chelony Mercado is one of the participating Filipino artists in the Art Capital Exhibition in Paris.

Sa  ikatlong araw ng exhibition ay tatlong paintings ni Tei Leonardo ang nabili sa kanya na lubos naman niyang ikinatuwa. 



Filipino artist Tei Leonardo sold three of her paintings at the Paris exhibit. Photo credit: Harold Khan
Filipino artist Tei Leonardo sold three of her paintings at the Paris exhibit. Photo credit: Harold Khan

Dumalo rin sa exhibit ang sugo ng Pilipinas sa Pransya na si Ambassador Junever Mahilum-West na taos pusong sumuporta sa mga Filipino artists.



From L-R: Chelony Mercado, Marites Van Vianen, Marievic Beaune and Ambassador Junever  Mahilum-West /Photo credit: Chelony Mercado
From L-R: Chelony Mercado, Marites Van Vianen, Marievic Beaune and Ambassador Junever  Mahilum-West /Photo credit: Chelony Mercado

 

Itinuturing ng mga artists na ang paglahok nila sa exhibition sa Grand Palais ay isang hakbang para maipakita ang mga likhang Pinoy sa buong mundo. 

 

At para sa kanila, sa  pag uwi ay dala dala nila ang mga natutunan nila sa exhibition para madagdagan pa ng kanilang pagiging malikhain.


Ayon pa mga artists ay excited na sila na bumalik ulit sa susunod na exhibition. 



END



 
 
 

Commenti


Subscribe Form

  • facebook
  • twitter
  • instagram
  • youtube

©2020 by Pinoy Portal Europe. Proudly created with Wix.com

bottom of page